Tuesday, May 29, 2007
Sa sala ng aming bahay
8:27 PM
Sagada sunrise |
Isang umagang pagkagising ay dumungaw ako sa may bintana ng aming bahay.Bigla nalang ang aking pagkagulat nang dumampi sa aking pisngi ang hanging wari ay nanghahalik. Masarap ang simoy ng hangin. Si amang araw ay nagsisimula palang manilip mula sa mga kabundukan. Ang ganda ng tanawin na aking pinagmamasdan. Ang mga punong iwinawagayway ang mga dahon at sanga, mga bulaklak na nagsisimula palang mamukadkad, isang ibong humuhuni na wari isang kanta—lahat ng ito’y aking nasaksihan isang umagang pagkagising ko. Pakiwari ko’y isa itong panaginip.
Bumangon na ako sa aking malambot na kama at ako’y naghilamos. Habang naghihilamos ako’y napatingin ako sa tubig na gamit ko sa paaghilamos. Nakita ko ang isang mukhang kaaya-aya. Isang mukhang di ko na nakilala. Ako nga ba talaga ito? Maraming mga pagbabago sa mga nagdaang dalawang taong pamamalagi ko dito sa Baguio City. Minsan pa’y di ko na napapansin ang mga nangyayari sa bayan kong sinilangan. Minsan nga’y nakatulala nalang ako sa hangin at napapaisip ng malalim. Ito ba ang epekto ng pag-aaral sa Saint Louis University? Tuluyan na akong nalunod sa aking pagbabalik tanaw sa mga nagda-ang taon.
Taking a pose after a hectic duty... |
Nag-eenrol palang ako ay nagulat ako sa mga security guards na animo’y mga jail warden sa pagbantay ng mga labas-masok na estudyante. Nakakailang na rin yung mga building na nag aanimo’y skyscrapers sa taas. Muli akong nawindang sa proseso ng enrolment dito sa may nursing department. Minsan nga’y napaisip ako. Wala bang elevator o escalator man lang? Pagkatapos, mahaba na nga yung pila, palipat-lipat ka pa ng building. Pagod ka na’t lahat, may mga iba pa sa mga admissions committee, sinusungitan ka. Tama bang pagalitan ka’t lahat kung mag-isa ka lang at ikaw ang huling mag-enrol? Tama bang sungitan ka kahit wala kang ginagawang masama? Ito pang mga ibang mag-aaral, akala mo kung sinong magaling. Porke ba’t mayaman sila’t sobra ang katalinuhan, puwede nang makisingit sa pila? Sila pa ang may ganang magalit kung yung mga nasa likod nila, sisingit din sa harap?! Makatwiran ba naman? Makatwiran din ba naman na singitan mo rin yung mga naningit sa iyo? Hindi ba’t mas maayos kung pakiusapan mo nalang yung mga sumingit na sa likod pa yung tapos ng pila? Eh, wala ka rin namang magagawa kung titignan ka mula ulo hanggang paa ni Ms. Sumingit pagkatapos sasabihin sa iyo, “So?” Sino din ba naman ang hindi sisingit kung ganun nang ganun ang mga estudyante di ba?
Hay naku, pag minamalas ka nga naman… Ikaw itong nauna sa pila, ikaw pa ang mawawalan ng slot sa enrolment… Kinabukasan pa’y inabot ka ng cut-off sa accounting office… Hay naku… Eh ikaw naman kasi. Nagpasingit ka pa… At kahit hindi naman kasi ikaw, bakit ka kasi natatahimik… Eh kung nahihiya ba naman kasi yung taong magsabi ng nasa isipan, mapipilit mo pa kaya? Hay… yan tuloy, late ka na mag-enrol… Sa medical at physical examinations din naman, mahirap eh… Ikaw na nga itong pinapalpate (palpation nga ba o nanantsing lang?), susungitan ka pa ng mga nasa clinic… hmmm… Bakit ba lahat na lang sila parang lahat ng ginagawa mo eh mali… nabibigyan ka nga ng advice, pagalit pa… Puwede namang sabihin ng maayos di ba? Yun bang therapeutic communication ang gamitin… Aba, eh di, sana maisip nila yung love and care… Hindi ko alam kung ang mga ito ay tinuturo noon sa mga paaralan at bakit ngayon parang galit lahat ang mga nakakasalamuha mo sa paaralan.. Well, ano pa nga ba magagawa mo kung talagang ganyan ang buhay—napakaunfair.
Ito na nga ang mga naranasan ko tuwing enrolment dito sa SLU. Nasabi ko tuloy, parang lahat yata pala ng karanasan ko, ang sasama lahat…
K4 BIGTIME!!! |
Yun nga lang parang wala lang dahil sa mga kaibigang animo’y linta na nakakapit sa ‘yo kahit anong mangyari. Ganito talaga ako. Akala ng ibang tao wala akong kaproble-problema dahil sa lagi akong masaya. Akala nila, sa maamo at masayahin kong mukha ay wala akong kahit isang problema. Well, mali sila. Di nila alam na sa likod ng mga ngiti at pagkamasayahin ko, sobra-sobra ang pasaning dinadala ko sa bigat ng aking mga problema. Minsan sa kadahilanang wala na akong magawa, itinatawa ko nalang ang mga ito at ipagpatuloy mabuhay. Sa mga pagkakataong iyon, nakikita ako ng mga kaibigan ko kaya nasasabi nilang wala akong mga problema. Di nila alintana na sa mga pagkakatong iyon, naninikip ang aking dibdib at nanunudyong tumulo ang aking mga luha sa sakit na dulot ng mundo.
Gayunpaman, atleast may mga taong masasabi mong nagmamahal sa iyo. Andiyan si Mama, na kahit nakakainis dahil napakaoverprotective nito at laging tinatanong kung saan ako, anong ginagawa ko, kumusta ang grades ko, eto at naniniwala pa rin akong ganito ipakita ni Mama na mahal niya ako. Andyan din yung mga kapatid ko, na kahit lagi ko silang pinapagalitan, eh, eto parin at tinutulungan ako sa lahat ng bagay. Andyan yung mga kamag-anak ko, na kahit hindi kami masyadong close dun sa iba at sobrang taas ng expectations nila sa iyo, todo parin ang suporta sa akin. Andyan ang aking mga kaibigan, na kahit minsan mag-aaway kayo, eto parin at parang mga lintang kapit nang kapit sa iyo. Andyan yung mga teachers ko nung high school na kahit sakit ako sa ulo nung high school sa pagkapasaway, eto at lagi akong kinukumusta at binibigyang payo. Andyan din si Daddy, na kahit wala na sa mundong ito, naniniwala ako na lagi siyang nakabantay sa akin, lagi siyang nasa aking puso, isip at kaluluwa san man ako magpunta. At higit sa wakas, andyan si Lord, na kahit anong mangyari, alam kong andiyan siya para sa akin, pwedeng puntahan pag may problema man o wala.
God's loving arms are upon us all... |
Hay!!! Masyadong madrama ang buhay ko at heto’t pati na ako ay nagdadrama… nagiging korny tuloy ang kuwento ng buhay ko. Hay, sana naman bukas pagkagising ko, maging maganda ang kalalabasan. Isang bagong buhay... Isang bagong umaga...
No comments:
Post a Comment
Leave Me A Message