An Unsent Letter

Dear You,

In the tiny shades of grass, we see the broken mirror of life. We see love and peace of life opposing guilt and pain, and in this spread before our eyes, we begin to realize that pain is just a part of life and part of our life is... GUILT.

Kumusta? I just hope you're not condemning the world or me for the cruelties I did you. I'm sorry to bring this back to you but I just couldn't live in peace without telling you this. Hear me out first, okay? Kung galit ka man sa akin, naiinis, nayayamot, I'm sorry for what I did. I didn't know what I was thinking. I was so young then. Hindi ko pa masyadong naiintindihan kung ano ang tunay na kahulugan ng umibig.

I just wanna let you know na I never forgave myself for hurting you. There was never a time na hindi bumabalik ang mga alaala tungkol sa iyo. Nagi-guilty ako tuwing bumabalik ang mga alaala mo ngunit nagpakatatag ako. Kasalanan ko kasi. Pinilit kong magpakalayo sa problemang ito, makalimutan lang kita. Mali pala ako. Ni hindi naalis sa isipan kong 'guilty' talaga ako.

Nagtataka ka siguro kung bakit ngayon ko lang ito sinasabi sa iyo. It's just that I never found the right time and courage to ask for forgiveness and say sorry for hurting you this much. I'm really sorry. Please forgive me.

Ayoko ng away. Ayoko ng kaaway. Ayoko nang ma-guilty. Ayoko nang umiyak dahil nakasakit ako ng tao. Nahihirapan na ako-- sa studies ko, pamilya ko, problema ko, buhay ko. Parang hindi na ako mabubuhay ng masaya. Ito ba ang kahulugan ng 'karma'? Wala na yata akong pag-asa. Naguguluhan ako. Ewan. Wala akong matakbuhan.

Nagsisisi talaga ako sa ginawa ko. I'm so sorry. I hope you now understand why. Mapatawad mo lang ako at malaman ko lang na hindi ka na galit sa akin, masaya na ako dun. Okay na ako dun. Alam ko, this is not yet the right time for us to start anew but I would just want you to understand that I'm really sorry for all the hurt I've done you. Alam ko, mahirap pa sa ngayon na tanungin ka kung pwede ba tayong maging friends once more. Ang awkward naman siguro nun, di ba?

Maiintindihan ko kung galit ka sa akin. Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapatawad. But, please magreply ka para alam ko naman kung ano ang nararamdaman at iniisip mo. Mas nagi-guilty kasi ako na hindi malaman kung ano ang saloobin mo. Ang gulo ko ano? Pero kahit na, maintindihan mo sana sitwasyon ko ngayon. It's a mixture of pain, guilt, unhapiness, and pagsisisi.

Haaay... Pag-isipan mo muna yung mga nasabi ko please bago ka tuluyang magalit sa akin.

Always,
Me

P.S.
I really hope you're doing fine. I know you've been brave enough to overcome this situation. I congratulate you! Thanks for everything.

No comments:

Post a Comment

Leave Me A Message