Wednesday, July 20, 2011

Panauhing-pandangal: The Last Attempt

Naaalala niyo pa ba yung sinulat kong tungkol dun sa pagkaka-offer sa akin na maging isang panauhing pandangal? Marahil ay hindi. Inofferan ako ng alma mater hiskul ko na mag-guest speaker para sa Senior's day. Di na ako magpapatumpik-tumpik pa. Ang end nun, tinanggap ko yung offer. Mangyari lamang ay basahin ninyo ang buong paglalahad dito.

Wari ko ay nagtatanong kayo kung bakit eto na naman tayo sa paksang iyon. Sapagkat wala lang akong magawa at gusto ko lang naman ipagpatuloy ang kwentong iyon na kunwari ay may nag-aabang sa susunod nitong kabanata. Alam ko. Walang nag-aabang. Kunwari nga lang, di ba?

So ayun na nga. Tinanggap ko yun three weeks before nung affair. Sa di inaasahang pagkakataon, kelangan kong magtungo ng Baguio para ayusin ang ilang importanteng dokumento (Wow! Wala lang. Basta wow.).

Akala ko makakabalik ako agad. Isang linggo nalang bago yung event. Hala! Wala pa pala akong nagagawang speech. May speech talaga yon. Akala ko wala. Naghabol ako sa mga dokumentong di pa naaayos hanggang ngayong oras na sinusulat ko ito. Hay, anu ba yan! Kakaasar.

Isinantabi ko muna yung pagproseso ng mga yun. Gumawa ako ng bonggang-bonggang speech nang gabing iyon. Gumamit pa talaga ako ng Powerpoint. Andun na lahat ng datos na kakailanganin ko. Andun na lahat ng mga posibleng kursong kukunin ng mga bata sa kolehiyo.

Dalawang araw nalang. Reding-ready na ako para sa speech. Tinuloy ko nanaman magpasign at maghabol ng mga maiilap na instructors at staff nurses para dun sa PRC templates ko. Hala. Bukas na yung event. Madami pa aku ipapasign. Ay, alam ko na. Maraming oras pa naman para sa signing. Tutal, di rin ako makakaabot ng July board dahil hinihintay pa namin ang pagbabalik nung isang staff nurse mula sa kung saang lupalop ng mundo nagliwaliw.

Kampante akong umakyat ng bus para sa Sagada na para ala-una. Nakauwi na ako't nagpapahinga nang maisipan kong itala muna yung mga sasabihin ko bukas sa isang kodigo. Yun bang mga 'strong points only' ika nga sa wikang Ingles.

Laking pagkadismaya ko nang di ko mabuksan yung flash drive ko. Leche! Pati ba naman flash drive may corruption na nagaganap?! Tumawag ako agad sa mga kapatid ko para isend yung file. Patay! Ayaw magsend sa dropbox account ko. Hindi naman puno yung dropbox ko. Bakante nga eh. 2GB ang kayang i-contain nun.

Di na ako nag-abala pa. Gumawa nalang ako ng bago. Salamat sa SMARTBRO at sa paminsan-minsan nama'y mabilis kong pag-iisip. Kaso, hindi na siya bongga. Naku, mapapahiya yata aku nito kinabukasan. May parents pa namang dadalo. Hhala! Alalang-alala na talaga ako nung panahong iyon. Hinihintay ko parin yung file mula sa mga kapatid ko. Alas-kuwatro na ng umaga. Wala parin. Makatuwiran ba naman tong nangyayari sa akin ngayon? Malamang hindi.

Ayun, kinalaunan, nerbyos na nerbyos talaga ako. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Alangan naming magback-out ako eh andun na ako. Ayun, natuloy parin pero wala akong kaener-energy na nagspeech. Binigay ko naman yung best ko na alalain yung detalye nung nasa una kong ginawa pero lalong gugulo kaya bits and pieces lang na importante yung mga siningit ko.

Super nakakahiya talaga sa mga parents, students and teachers yung speech kong iyon. Lalo na kay Sir Cal. Naturingan kang magaling tapos puchu-puchu yung message mo? Anu daw yun, di ba? Ampft... Nung pagkatapos ng speech ko, gusto ko talagang bumuka yung lupa at lamunin nalang ako. Inappreciate ko na kinongratulate ako ng mga parents, teachers and students, na kinongratulate ako ni Sir. Ang di ko lang maappreciate ay ang sarili ko. Alam ko kasi sa sarili ko na kulang yung binigay ko. Kulang yung ginawa ko para sa mga estudyante. Kulang na kulang talaga. Pero at least may kaunti naman akong naibahagi... I don't regret that. Atleast meron parin...

Atleast meron paring natitirang kawalang-hiyaan sa katawan ko para samahan silang kumain nang mag-lunch time na.

Dito po nagtatapos ang napakaboring kong manuscript. Maraming salamat po sa aking mga masusugid na tagapagsubaybay sa masalimuot kong buhay.

Meron nga ba? The END (totoo na 'to).