'You may now take your seats.' Yan ang unang mga salitang lumabas sa aking mga bibig kasabay nang isang ngiting abot-tenga.
Nyahaha... Ang sarap pala ng feeling na ikaw mismo ang makakapagbanggit ng mga salitang iyon. Nagmimistula akong napakaimportanteng tao. Wahaha... Akala ko lang iyon. Masama bang purihin paminsan-minsan ang sariling tuyot sa papuri? Hindi naman siguro, di ba?
Eto na nga. Inimbita ako ng graduating class ng Sagada National High School para sa Senior's day nila. Aba, ako naman itong si Ms. Pakipot. Tumanggi daw ako a. Feel na feel ko talaga. Ang totoo niyan, kakatapos lang nung libing ng kulang nalang sa 1 year, eh century old na lola ko. Eh, sa dami ng mga pinaggagagawa naming mga Igorot dahil sa pagmamahal sa aming kultura at dahil na rin sa respeto ng aming mga ninuno, baka hindi ko mapaghandaan ng husto yung alok nila. Siyempre, kelangan kareerin ang pagka-panauhing pandangal at kung hindi ay baka mauwi sa panauhing walang dangal.
Ehe. Okay na sana eh. Umayaw na ako at tinanggap naman ni Sherenne (siya yung nagtext kung available daw ba akong mag-guest speaker). Sabi pa niya, maghahanap daw sila ng iba. Tinanong niya rin ako kung may pwede pumalit sa aking puwesto (Aba, may pwesto na daw ako.) Siyempre, nag-suggest ako ng di lang isa. Madami akong na-suggest. Sila Rose, Kimberly, Wilfredo, Lester, Daniel at Cindy. Kasama na rin diyan si Manang Karen, Manang Roxanne, Manong JR, Manong Chester, etc.
So, happy na ako sa desisyon na iyon. Wala na akong problema. Sayang man ang oportunidad pero wala akong magagawa. Marami pa namang Senior's day ang darating. Lumipas ang dalawang araw. Naging textmate kami ni Sherenne. Pamangkin din kasi siya nung may-ari ng bahay na nirerentahan namin.
Papunta na ako sa Dao-angan para tumulong para sa unang 'senga' ni lola. Kalalabas ko lang ng bahay nang bigla kong nakasalubong si Sir Cal. Napahapo ako sa noo. Naku, patay ako nito. Yun na nga. Tinanong ni Sir kung nagtext daw ba yung mga seniors. Nilahad ko na lahat pati na rin yung dahilan ko sa di ko pagpayag, pati na rin yung mga na-suggest kong mga mas nararapat maging panauhing pandangal. Nagulat ako sa sagot ni sir. Isang napaka-cool at walang kaabug-abog na, 'NO'. Alam ko namang magaling mangumbinse si Sir. Ang di ko alam, ganito pala siya kagaling mangumbinse. Isang salita lang at POOF! I became koko-crunch. Wahaha... Walang aangal. Bakit ba? Kakaenroll ko palang sa Cheesy 101. Pero, ang cool talaga ni Sir. Idol!
Kaya ayun, tinanggap ko ang offer. The END.
No comments:
Post a Comment
Leave Me A Message